Bagamat kauumpisa pa lamang ng klase at bago ang paraan ng pagkatuto, hindi naging hadlang sa mga guro at mag-aaral na gunitain ang Buwan ng Wikang Pambansa. Noong buwan ng Agosto ay ipinagdiwang natin ang Buwan ng Wikang Filipino na may temang “Wika ng Kasaysayan, Kasaysayan ng Wika: Ang mga Katutubong Wika sa Maka-Filipinong Bayanihan Kontra Pandemya”.
Bilang pakikiisa sa pagdiriwang, ang departamento ng Filipino ay naglunsad ng Paligsahan sa Paggawa ng Poster na nagpapakita ng kahalagahan ng wikang Filipino sa paghahatid ng mga pampublikong impormasyon na makatutulong sa pagsugpo ng COVID 19. Ito ay ginanap noong ika-27 ng Agosto, 2020 na nilahukan ng mga mag-aaral sa ikaapat hanggang ikaanim na baitang.
Ang mga napiling poster sa bawat seksyon ay ipinadala sa mga hurado sa bawat baitang na sina G. Pio Sicam, G. Romy Flores, Gng. Karlleni Cayetano, G. Rodman Halili at Bb. Pearl Lorenzana. Tunay na kahanga-hanga ang mga mag-aaral ng OLOPSC sapagkat ipinakita nila ang kanilang malalim na kaisipan sa bawat detalye na kanilang iginuhit.
Narito ang mga nagsipagwagi sa bawat baitang:
IKAAPAT NA BAITANG



Unang Gantimpala –
Louise Marciana Aquiros
(4- Dedication)
Ikalawang Gantimpala –
Apollo Julione Z. Barcelon
(4- Transfiguration)
Ikatlong Gantimpala –
Jillianne C. Mendoza
(4- Salvation)
IKALIMANG BAITANG



Unang Gantimpala –
Naomi B. Gomez
(5- Pillar of Trust)
Ikalawang Gantimpala –
Emika Fairelle A. Bautista
(5- Bond of Love)
Ikatlong Gantimpala –
Mikaela Gabrielle M. Cruz
(5- Vessel of Honor)
IKAANIM NA BAITANG


